The World's Best Detective. No one can ever escape Agent Xmoimoi. He's not one of the best, because he was supreme, his superiority is at the apogee, and greater than all the so-called best agents in the world... He was hidden in profound darkness, no one can ever trace his whereabouts, they can only communicate with him, only, and through this blog...
 

Saturday, December 4, 2010

jeepney family story

pauwi na ako ng bahay namin ng may sumakay na magpamilya (father, mother, 3 year-old boy, and a 1 year old kid).. may dalang pet na isda ang nakatatandang anak. "daddy, ang cute ng isda oh".. sabi ng ama "oo.. pero wag mo masyadong higpitan ng hawak ang plastic at baka di makahinga".. habang kinukulit ng ama ang bata,, lahat kaming nakasakay ay napatingin sa kanila.. nakaka aliw kasi.. tapos nagpa flashback din sa akin ang aking kabataan.. nung iniinis ka ng ama mo sabay lambing.. tapos nun,, habang nakatingin kami sa kanila, biglang sinabi ng ama, " di ba masarap yan?" sabi ng bata " oo".. "gusto mo, lagyan nating ng asin, kamatis at sabaw" sabi ng ama.. "cge po daddy", inosenteng sagot ng bata.. "tapos,, sisipsipin mo ang mata ng isda ha" biro ng ama... "ha? ayaw ko pa.. kawawa po ang isda" sabay sumbong sa kanyang ina... napatawa nalang kami sa naging reakksyon ng bata.. yun bang feeling helpless.. heheeh.. sabi ng mama nya "ay hindi naman yan nakakain.. kaya di sya pwedeng lutuin"... "eh diba nag ihaw tayo ng isda kahapon. tapos kinain mo ang mata ng isda at sarap na sarap ka pa nga" sabi ulit ng ama.. napatango lang ang bata.. "so, mamaya lagyan natin ng asin yang isda mo ha, tapos sibuyas at kamatis" sagot naman ng inosenteng bata, "tsaka po lagyan natin ng sabaw".. tawanan kami lahat sa jeep... tapos mayamaya pa ay bumaba na sila... hahahahaha

Labels: , , ,

Link

experience davao this december

habang binabaybay ko ang kahabaan ng boulevard, biglang napahinto ang sinasakyan ko.. "naku traffic na naman".. oppss,, nagkaroon pala ng rerouting.. dahil every december, ang san pedro st.ay sinisirhan para bigyan ng opportunidad ng pamahalan ng davao ang mga kababayan nating micro entrepreneur. mayroong mga booth at pwesto ng "ukay-ukay".. sa kabilang kalye, ang daming nakahilirang ukay-ukay na bags, shirts at kung anu-ano pa.... sa gabi naman,, kasi na abutan kami ng gabi sa magallanes at gutom na rin,, minabuti naming kumain sa may city hall drive ng mga grilled foods.. sakto naman kasi may free live band pa.. kaya kahit umulan kagabi,, tuloy pa rin kami sa pagkain.. hahahaah..balak pa namin palang puntahan ang rizal park dahil fascinating ang mga lights na nakabitin pero di na namin kinaya ang ulan.. parang 1 month pa atang may ganito sa davao..

Labels: , ,

Link