Sunday, January 4, 2009
2-day experience
masaya na malungkot ang naging xmas vacation ko. masaya kasi daming magagandang nangyari, malungkot kasi, kuya ko eh nagdala ng isang bata na maituturing nating pinagkaitan ng Tadhana. kailangan kasi ni kuya na ma obserbahan ang mga gawi at kilos ng mga taong may kapansansan kagaya ng nasabi ko kanina. Yung nasa PIcture, from left, ako, sister ko, JAYRAN, tapos kuya ko. Si Jayran yung batang tinutukoy ko. kung titingnan nyo sya, isa syang normal na tao. pero hindi siya nakakarinig at nakakapagsalita. nakaka awa lang talaga kasi deprived sya sa mga bagay na karaniwang inienjoy ng mga normal na tao. ako'y may depekto rin pero kahit papano, nakakasabay ako sa mga normal. through sign language ang aming communication. di pa nga namin kabisado yung ibang signs. pero kahit papano may natutunan kami sa kanya. Ayon sa kanyang kwento, mga 1 year oldf palang daw sya, ulila na sya sa ama at ina. inampon sya ng isang pastor at lumaki sa isang lugar dito sa Davao na kilala sa pangalan na Deaf Mistry Institute {DMI}. ang maganda dito, nakakapag aral sila ng libre at natutugunan ang kanilang pangangailangang spiritual at pisikal. sa mga sandaling nakasama namin si Jayran, na appreciate namin kung gaano kahalaga ang ating pandinig at boses. kaya sana gamitin natin ito sa tama at kapakipakinabang na mga bagay. dahil kung hindi, marami ang mga katulad ni Jayran na nangangailan nyan.
Labels: experience





