Monday, August 20, 2007
JUAN DELA CRUZ.... SAAN KA PUPUNTA?
Juan dela Cruz, saan ka pupunta? Bakit nag alsa balutan kana? Ayaw mo na ba dito sa ating nayon? Paano na si Inang?
Pilipino ka hindi ba? Alam mo naman ang mga nangyayari sa ating bayan, hindi ba? Karamihan sa ating mga kababayan ay nagsipunta na sa ibang lupain upang doon subukan ang swerte ng kapalaran. Karamihan sa kanila ay nangarap na mapalago ang pamumuhay. Maiangat ang pamilya sa kahirapan. At karamihan sa kanila, upang makamit lamang ang mga pangarap sa buhay, ay nagpakaalipin sa ibang lahi. Pumayag na sumagal na hindi alam kung mananalo ba, o dehado.
Pilipino ka hindi ba? Pilipinas ang iyong bansa hindi ba? Pero bakit sa ibang lupain ka na nakatira? Ayon sa isang pagsasaliksik, kahirapan at kawalan ng sistema ng pamahalaan ang nagtulak sa kanila upang doon na manirahan at mamuhay ng matiwasay. Karamihan sa kanila ay umaasa na sa ibang bansa makakamit ang hinahanap na tagumpay at karangyaan sa buhay.
Bakit JUAN, wala bang pag asa na makamit ang hinahanap na tagumpay at karangyaan dito? Dito sa lupaing nagmulat sa iyo kung ano ang buhay? Kung sino ka? At kung anong magagawa mo?
Pilipino ka hindi ba? Filipino ang iyong wika hindi ba? Bakit karamihan sa atin ayaw magsalita ng Filipino? Bakit mas gusto nating gamiting wika ay wikang banyaga? Dahil ba sa "sosyal" pakinggan ang wika nila? Hindi mo ba alam na sa bawat pagbigkas natin ng wikang banyaga, ay unti-unti nating binabaon sa hukay ang ating wika. At dahan-dahan rin nating ikinakahiya ang ating lahi. Hindi mo ba naisip na nagmumukhang tanga tayo. Pilipilit na makalebel sa mga banyagan at umabot na sa puntong "trying hard" na tayong tingnan.
Pilipino ka hindi ba? Anong magagawa mo bilang isang Pilipino? Juan, Juan, Juan. Ikaw ay pinagpalang nilalang. Kinikilala ka ng buong mundo dahil sa iyong angking kakayahan. Sa ano mang larangan ikaw ay tinitingala. Hindi ka ba masaya at kailangan mo pang iwan si Inang bayan? Hindi mo ba naisip na ang daming dayuhang pinangarap maging ikaw. Hindi mo ba naisip na ang yaman ng iyong lupain upang ito'y pabayaan? Sayang ka Juan kung ikaw ay lilisan. Iyo sanang pagbigyan ang hiling ng Inang bayan. Paglingkuran at mahalin hanggang sa mgapakailanman.

an official entry for
Wika2007 Blog Writing Contest
please vote for me
tnx
please vote for me
tnx